Today is Wednesday February 08, 2012
Skyline-STAMINEXMGA SANGKAPSa bawat 300mg kapsula ito’y naglalaman ng sumusunod na sangkap. Vitamin A…2500IU, Vitamin D…500IU, Vitamin E…250IU, Vitamin K…250mcg, Magnesium…100mg, Iron…37.5mg, Copper…2.5mg, Zinc…20mg, Selenium…50mcg, Manganese…15mg, Red Ginseng…10mg, Snake Bile…5mg, Creatine…37.5mg, Vit. C….3.5, Taurin…25mg.
PINAGGAGAMITANIto ay kumbinasyon ng fat soluble vitamins, trace elements at organic acids na kailangang kailangan habang nagsasanay at may aktwal na karera ang mga kalapati.
AKSYONBinubuhay ang mga selyula upang ito’y mabilis na dumami, makapag pakawala ng nararapat na enerhiya habang ginagamit ng katawan. Ito’y tila kuryente na kumakarga sa isang baterya.
WASTONG PAGGAMITMagbigay ng isang kapsula kada lingo bago sa loob ng isa hanggang apat na linggong pagsasanay o mga malapitang paglipad. Bilang paghahanda sa aktwal na karera, magbigay muli sa ikaapat na araw bago magkarera.
MGA KATANGI-TANGING PAKINABANGInihahanda nito ang pangkalahatang kalusugan ng kalapati sa mabigatang pagsasanay at sa araw ng karera sa pamamagitan ng pagsuplay ng angkop na mg bitamina, mineral, trace elements at natural na sangkap sa kaliit-liitang bahagi ng mga selyula at kalamnan.
Pinatatatag ang resistensya ng mga kalapati at isinasarado ang mga lagusan ng pwedeng daan ng mga sakit, virus, bacteria, yaong mga tinatawag ng natural pathogens ng sa gayon ay masunod na maayos ang mga programa bago ang araw ng aktwal na karera.