OUR PRODUCTS


OTHERS




LINKS


 PAHA



Today is Wednesday February 08, 2012

Skyline-SquabGro

MGA SANGKAP
Sa bawat isang (1)kilo ito ay naglalaman ng mga sumusunod. Vit. …8million units, Vit D3….1.5million units. Vit. E….1.35million units, Vit. K….2,500mg, Vit. B1…125mg, Vit. B2….2,250mg, Vit. B3….11,250mg, Vit. B5….5,180mg, Vit. B6…1,320mg, Vit. B7….230mg, Vit. B9…195mg, Vit. B12….35mg, Red Ginseng….5,150mg, Vit. C…8,500mg, Choline…12,500mg, Lysine….12,000mg, DI Methionine…15,000mg, Calcium….15,000mg, Phosphorous….9,750mg, Potassium….6,000mg, Sodium CI….7,800mg, Magnesium…11,500mg, Manganese…1,500mg, Zinc…1,035mg, Iron….6,000mg, Snake Bile…1,200mg, Selenium….15mg, Copper….130mg, Taurin….150mg, L-Carnitine…1,050mg, Wild Honey….1,500mg, Creatine…600mg, Lactobacillus Casei, Plantarum and Acidophilus, Dextrose as Carrier.

PINAGGAGAMITAN
Kumpletong multi-bitamina, mineral, amino acids, probiotics at trace elements na kailangan ng mga pangarerang kalapati sa kanilang paglaki.

AKSYON
Ang lactobacillus (mabubuting mikrobyo) ang tumutunaw ng ganap sa lahat ng mga sangkap kaya ito magagamit ng katawan, walang masasayang at lahat ay gagamitin sa metabolism ng katawan kaya ang inyong mga inakay ay nakakasigurong lalaki ng malusog at malaya sa sakit. Walang halaga ang anumang ipapasok sa katawan ng kalapati kapag wala ang mabubuting bacteria dahil hindi ito matutunaw ng maayos at idudumi lamang.

WASTONG PAGGAMIT
Gamitin pagtungtong ng isang (1) buwan ng inyong kalapati hanggang sa ikatlong buwan ng kanilang paglaki. Maghalo ng tatlong (3) kutsarang SquabGro sa isa’t kalahating (1.5) litrong tubig. Ilagay sa painuman sa dalas na tatlong (3) beses isang lingo.


MGA KATANGI-TANGIING PAKINABANG
Mga bitamina, mineral, trace elements, at natural na sangkap na tumutugon sa pang araw araw na pangangailangan ng inyong mga squabs sa ganitong kapanahunan ng paglaki. May mga probiotics (good bacteria) na nagpapanatili ng balanseng kundisyon sa sistema ng pangarerang kalapati para maiwasan at malabanan ang mga sakit at magpatibay pa ng resistensya nito.
Ang lahat ng mga mahahalagang sangkap na ito ay nakakarga sa dextrose upang malabanan ang mga stress na dala ng sobrang mainit o malamig na panahon, pagbabyahe, gamutan, pagpupurga at iba pang mahihirap na kundisyon. Mabilis itong nasasagap ng katawan dahil nakakarga sa inuming tubig.



ONLINE INQUIRY

IMPORTANT!
Please leave us your email address so we can get back to you.