OUR PRODUCTS


OTHERS




LINKS


 PAHA



Today is Wednesday February 08, 2012

Ang mga produkto ng Vetmate-Linyang Skyline
Para sa mga Pangarerang Kalapati


Ang ating mga pangarerang kalapati ay may likas at natatanging pangangailangan upang maging handa sa bawat panahon. Ito ay magmula sa pagbuo ng itlog hanggang sa kanyang paglaki tungo sa pagpaparami. Sa bawat panahong ito ay may nakalaang sustansya na dapat maibigay upang higit na maging mahusay ang inyong mga kalapati sa mga nakatakdang pagsasanay at aktwal na karera. Aming ibibigay ang mga pangangailangang ito base sa mga pag-aaral ng mga siyentipiko. Masusing pinag-aralan at tinuklas, sinubok at pinagtibay ng ating mga eksperto sa larangan ng Veterinary at Herbal Medicine ang mga panlabang sangkap sa mga sakit, pagpuksa dito, pagpapatibay sa resistensya at pagbibigay kasiguruhan sa mataas na kalidad ng kalusugan.

Ang lahat ng ito ay binigyang inspirasyon ng kalikasan. Ang mga local na sangkap ay angkop sa likas na kapaligiran ng mga pangarerang kalapati. Dito lamang sa tropical na kundisyon matatagpuan ang ganap na kasagutan sa anumang pangangailangang sustansya, bitamina at mineral na hindi lamang epektibo, kundi nakapapataas pa ng uri ng inyong kalapati sa kadahilanang isinasagad nito ang kakayahan ng mga pangarerang kalapati.



ONLINE INQUIRY

IMPORTANT!
Please leave us your email address so we can get back to you.