Today is Wednesday February 08, 2012
Skyline D-ToxMGA SANGKAPSa bawat 250mg kapsula ito’y naglalaman ng mga sumusunod na sangkap. Pinulbo na Pandan…32mg, Pinulbos na Kangkong…91.1mg, Pinulbos na Malunggay…76mg, Halamang Dagat…32mg, Aktibong Uling…19.2mg
PINAGGAGAMITANPara sa pang kabuoang paglilinis ng dugo at mga lamang loob dala ng polusyon, maruming tubig, mga nakalalasong metal sa pagkain at maruming hangin nasasagap sa matagalang paglipad.
AKSYONAng halamang dagat ay may kakayahang maglinis ng dugo sa taglay nitong micro minerals at trace elements. Ang kumbinasyon ng mga micro-minerals na ito ay parang magnet na sumasama sa mga dumi at sabay itataboy palabas ng katawan. Pandan ang naglilinis sa mga lamang loob sa pamamagitan ng paghalo ng taglay nitong volatile oils sa dugo na umiikot naman sa kaliit-liitang ugat sa mga lamang loob. Hinuhuli ng Aktibong Uling ang mga bara at lason sa taglay nitong kumpartamento habang dumadaan sa bituka palabas ng katawan.
WASTONG PANGGAMITHabang pinagpapares/pinag aasawa…….isang kapsula sa unang araw
Pag naglilimlim ang inahing kalapati……..unang hanggan ikatlong araw…1 kaspula /araw
Habang nagpapalaki ng inakay……………..ika 8-10 araw……………..1 kapsula/araw
Pagkawalay ng inakay…………………………ika 29-30 araw………………1 kapsula/araw
Para sa lumalaking inakay…………………..(31-90 araw) ika 45-51 araw ……….isang kapsula kada lingo, ika 65-71 araw…..isang kapsula kada lingo, ika 86-90 araw…..isang kapsula kada lingo
Bilang Katulong sa Panahon ng Pagsasanay sa loob ng isa (1) hanggang apat (4) na lingo……1 beses kada lingo
Aktwal na Karera……….1 kapsula Pagkarating na pagkarating mula sa aktwal na karera.
Ibigay ang Dtox pagkatapos ng huling kain sa gabi, subalit sa kapanahunang may pagsasanay at aktwal na karera, ibigay ang D-tox mismo pagkarating ng inyong mga kalapati.
MGA KATANGI-TANGING PAKINABANGAng mga lason o toxins ay nakukuha ng mga pangarerang kalapati di lamang sa kapaligiran kundi pati na rin mismo sa kanilang inumin at pagkain. Anumang pagkaing di-sariwa at dumaan sa proseso ng pag iimbak ay naglalalaman ng mga toxins. Sa taglay ng D-tox na organikong sangkap, hinihila nito ang mga lason palabas ng katawan.
Sinangkapan ng malunggay upang mapanatili ang balanseng nutrisyon sa panahon ng pagdd-tox sa anyong halaman. Mataas ang enerhiya na kayang ibigay ng malunggay liban pa sa mineral, bitamina at protinang meron ito.