Today is Wednesday February 08, 2012
Skyline-BronCureMGA SANGKAPSa bawat 250mg kapsula ito’y naglalaman ng sumusunod na sangkap. Pulbos ng binurong Bawang at Sili…75mg (bacteria ang gamit sa pagburo), Langis ng Luya..20mg, Pinulbos na Lagundi….100mg, Pinulbos na Oregano…55mg.
PINAGGAGAMITANMga halamang lumalaban, pumipigil at pumupuksa sa lahat ng uri ng bacteria. Mabisa ring pampatigil ng aktibidad ng mga protozoan, kung saan sensitibo sila sa mga ganitong uri ng sangkap.
AKSYONAng sistemang pangkatawan ng kalapati ay mabilis na nagpapakawala ng mga antigen o yaong sariling panglaban nito sa mga mikrobyo. Dahilan sa ang mga sangkap ay halaman, sumasama ito sa mga himaymay ng mikrobyo at binabago ang istruktura kaya di sila makapagparami. Epektibo laban sa One Eye Colds, Paratyphoid, E. Coli Infections, Coccidiosis, at Pigeon Canker.
WASTONG PAGGAMITKapag nagpakita ng simtomas ng nabanggit ng karamdaman ang inyong mga kalapati, bigyan agad ng isang kapsula kada araw sa loob ng lima (5) hanggang pitong (7) araw. Para naman mapigilan ang paglaganap ng sakit, bigyan ng isang kapsula ang mga kalapating wala pang sakit sa dalas ng dalawang (2) beses isang lingo sa loob ng 2-4 na linggo pagitan.